Nababaliw Na Ang Payaso
by
Aizo
Sinabi mo noon, hindi na babalik ang kahapon
Ngunit bakit ngayon nandirito pa rin
Sinabi niya sa akin, sagabal lang ang damdamin
Ang magmamahal ay mahina din
Sagot ba ang kamatayan sa lahat ng katanungan
Ang paningin niya, ngayo'y dumidilim
Kung diyos mo'y makasalanan,
Sasambitin pa ba ang kanyang ngalan
Paniniwala niya'y nawala na rin
Kung dati ang problema'y saglit lamang
Nagayon ito'y mahirap kalimutan
Pag-iisip niya'y naging malabo na rin
Chorus:
Nawala na ang kinang at ang kasiyahan
Ang ngiti sa mukha ay nakalimutan
Nagunaw na lahat sa kanyang mundo
Kaya nagayon ay, nababaliw na ang payaso
Ang mundo niya ay isang teatro
Buhay niya ay isang entablado
Pero ang payaso ay tao pa rin
Sa kaliwa ang hawak niya'y baraha
Sa kanan tangan niya'y gitara
Nag-iisip kung alin ang uunahin niya
Noo'y nagpapatawa ang payaso
Walang pakialam kahit magago
Pero bakit naging sensitibo na rin
Wala mang bahid ng kalungkutan
Pero huwad naman ang kasiyahan
Siya'y punong-puno ng tuwa't pighati
Chorus:
Nawala na ang kinang at ang kasiyahan
Ang ngiti sa mukha ay nakalimutan
Nagunaw na lahat sa kanyang mundo
Kaya nagayon ay, nababaliw na ang payaso
La,la,la,la,la,lalalala...
Lagi mo na lang sinasalo
Ang lahat ng aking ibinabato
Pagharap ko sa salamin
Nandoon ang payaso't nakatingin sa akin
Ano na ba ang kahahantungan
Ng payasong anonimo na sa lipunan
Hindi na maibabalik pa ang kahapon
Ang payaso noon ay hindi na ngayon
Wala na siyang pakiramdam
Wala na siyang pakialam
Wala na siyang tatakbuhan
Poot at galit ang nararamdaman
Chorus 2:
Nawala na ang kinang at ang kasiyahan
Ang ngiti ay napawi ng kalungkutan
Ako ang payaso, ang payaso ay ako
Pero 'di ko alam, nababaliw na ang payaso
Nababaliw na ang payaso...
Nababaliw...nababaliw...
Nababaliw na ang payaso
The stuff in bold really says a lot about the way i feel this past few weeks...............
Sunday, June 25, 2006
Nababaliw Na Ang Payaso
Posted by Zchen at 4:51 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment