As always! Madaling araw na naman nakauwi si RIKARDO galing sa inuman at
lasing na lasing. Pag dating niya ay tulog na ang kanyang MISIS kaya
tumabi na lang siya sa kama at natulog na rin. Kinaumagahan, sa muling
pagmulat ng mga mata ni RIKARDO ay nakita niya na ang katabi ay isang
lalaki, bigla syang nagulat at bumangon!
RIKARDO : Sino ka! At ano ang ginagawa mo dito sa kuwarto namin?
SAN PEDRO : Huminahon ka RIKARDO. Hindi ito ang kuwarto niyo at ako ay si SAN PEDRO.
RIKARDO : Ha? Kung ganon patay na ako!
SAN PEDRO : Ganon na nga iho.
RIKARDO : HINDI! HINDI ITO PWEDE! Ang dami ko pang hindi nagagawa ang dami ko pang naiwan sa mundo!
Maawa ka SAN PEDRO pabalikin mo sa lupa kahit man lang para makapagpaalam sa mga mahal ko sa buhay!
SAN PEDRO : Teka huminahon ka. Hindi ka na pwedeng bumalik bilang ikaw pero pwede kita i- reincarnate bilang isang inahing manok o bayawak!
RIKARDO : Mmmmm kung bayawak baka mapatay uli agad ako. Inahing manok lang po SAN PEDRO, pero ilagay nyo po ako dun sa bukid namin para malapit ako sa pamilya ko!
SAN PEDRO : OK pagbibigyan ko ang kagustuhan mo.
At muling nabuhay si RIKARDO bilang isang inahing manok. Nakita niya ang
sarili na puno ng balahibo at kasama niya ang ibang mga inahing manok sa
bukid nila. Kinausap siya ng isa pang inahing manok na si SUSY.
RIKARDO : Whew, isa na akong manok ganito pala ang feeling. Teka bakit parang umiinit ang tiyan ko at kumukulo?
SUSY : Ikaw ba yung bagong manok dito? Ganyan talaga ang pakiramdam kapag malapit ka nang mangitlog. Magrelax ka lang at hayaan mo siyang dumaloy.
RIKARDO : Ano? Mangingitlog ako! Oo nga pala inahin nga pala ako kaya normal lang siguro yun.
Kahit medyo kinakabahan si RIKARDO ay sinunod nya si SUSY at nailabas nya ang unang itlog. Matapos mailabas ang itlog ay guminhawa ang pakiramdam
ni RIKARDO.
RIKARDO : Wow ganito pala ang pakiramdam ng mangitlog, napakasarap! Ngayon ko lang naramdaman ito, para akong isang ina na nagsilang ng sanggol napakasarap, ngayon ko lang naramdaman ito. Pero teka bakit parang meron pa?
SUSY : Huwag kang mag-alala di tulad ng tao, tayong mga manok kaya natin mangitlog ng isa hanggang walo, kaya magrelax ka lang at hayaan mo silang lumabas.
RIKARDO : Ganon ba? O sige. Maraming salamat SUSY! Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero totoong akaka- antig ng damdamin.
At muli na naman nangitlog si RIKARDO. Gumaan muli ang pakiramdam niya.
Napangiti at nasabi niya sa sarili niya na ito ang pinakamasarap na
naramdaman niya sa buong buhay niya kahit na noong namumuhay pa siya
bilang isang tao. Halos mapaluha siya sa galak. Naghahanda na sanang
ilabas ni RIKARDO ang pangatlo niyang itlog nang biglang may matigas na
bagay na pumalo sa ulo nya at may narinig siyang malakas na sigaw?.
..
..
..
..
..
..
..
..
..
..
..
..
..
..
MISIS : HOOOY!!! GUMISING KANG DEMONYO KA! BAKIT
KA TUMATAE SA KAMA !!!
0 comments:
Post a Comment